"Mama, we need to buy those Valentine cards for my classmates tomorrow!" Bigla akong bumalik sa realidad sa lakas ng boses ng anak ko. Paalam thought bubble. Singhaba ng buhay mo ang mga pangarap ko. Nagmadali na akong tapusin ang pag grocery dahil kapag nagtagal pa kami dito mapupuno ang cart ng Doritos and mini donuts. Pero sa isip ko kinakausap ko ang mga bulaklak sa aisle "Ang gaganda niyo para iwan. Sana girls night out tayo bukas." Sana...
"Rose!" Excited na tinawag ako ng asawa ko paguwi namin sa bahay. Excited din akong lumapit..."Yeis?" Alam mo naman ang mga babae gusto nila parang Long Island Medium psychic ang asawa nila - kayang bumasa ng isip. Thought bubble #2: "Baka may something something siya sa akin!!!" Thought bubble #2 gaya ng #1 muling pumutok. "Dumating na yung accessory ng kotse ko. Tulungan mo ko, ikabit natin!" Thought bubble #3 "Natin? Magisa ka!" Ako na rin ang pumutok ng huling thought bubble. Lumapit ako tinulungan ko siya. Hindi siya sumisipol habang gumagawa pero sa saya niya I swear naririnig ko siyang sumisipol sa galak. Konting buwelo, hingang malalim sabay tanong, "Pa, anong gift mo sa akin?" Simpleng tanong sinagot ng simpleng sagot, "Rose, ano ka ba naman."
Sabi ko nga sa dati kong blog, 4th year college kami ng huling binigyan niya ako ng boquet ng mga roses. Matagal ng panahon 'yun. That was 4 kids ago. Taun taon naghihintay ako ng bulaklak sa mesa o sa kama o di kaya i-deliver sa tapat ng pintuan. Taun taon nangangarap ako.
Mag momoment pa sana ako pero wala ng time. Kailangan nang magluto ng hapunan ang nanay. Lumapit ulit ang asaw ko, "Rose, luto luto tayo." Kapag sinasabi niya yan, ibig sabihin magluluto kaming pareho. Isang bagay na hindi namin madalas gawin dahil ako ang madalas "nagluluto luto" mag isa para pag uwi niya galing trabaho "kakain kain" na lang siya. Nabusog kami sa tapa at ginisang toge. Yan na ang date namin. Sulit naman at hindi mapapantayan ng kahit anong restaurant kasi kung paano kami sabay nagluto, sabay din kaming naglinis ng pinagkainan.
Na-admit ang nanay ko sa hospital a few days ago - Pneumonia sabi ng doctor. Instead na maging araw ng mga puso ang i-celebrate namin, nag-alala kami sa baga ni Nanay! Nagiisa akong anak na babae pero sa layo naming mag ina, hindi ko siya maaalagaan. Ang isang damsel in distress na gaya ko kailangan ng isang valiant knight. Hindi nga lang siya ang knight in shining armor ko dahil naka-scrubs siya. "Rose, magpadala tayo kay nanay." Hindi sila humingi ng tulong sa amin pero hindi rin kailangan ng asawa ko na hingan siya ng tulong para dumamay. Hindi ko siya kailangang sabihan sa mga bagay na gagawin niya para maramdaman ko na mahal niya ko. Ang pag ibig kahit hindi hingin kahit hindi sabihin, nagbibigay. Kung kaya niyang mahalin ang mga tao at mga bagay na mahal mo at mahalaga sa iyo paano mo pa idedefine ang pagibig sa mga bulaklak o sa ibang bagay na lumilipas o di kaya nalalanta? Kapag nabigay niya na sa yo ang puso niya, wala ng hihigit pa doon. Wala ka na ring dapat hingin pa sa kanya. If he loves you, that love never fails.
Bago matulog, we said our "I Love You's". Walang mga flowers, chocolates, cards or dinner na nakapost sa Facebook. Hindi kayang ma-upload sa wall ko ang puso mo, Rad. Ok na walang roses. Ako naman ang nagiisang Rose sa buhay mo.
Para sa mga umiibig enjoy this clip...thanks to Rheese who found it in YouTube. Magmahal ng walang hinihinging kapalit.
Para sa mga umiibig enjoy this clip...thanks to Rheese who found it in YouTube. Magmahal ng walang hinihinging kapalit.